DOLE-NCR, may ikakasang job fair sa displaced POGO workers sa Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Capital Region (NCR) sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho kasunod ng ban sa internet gaming licensees (IGLs), na dating tinaguriang Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Sa “Kapihan sa Bagong Pilipinas” forum, sinabi ni DOLE-National Capital Region Assistant Director Jude Thomas Trayvilla na nakapagsumite na sa kanila ng listahan ng pinoy workerd ang nasa aabot 48 IGLS.

Dito, natukoy na aabot sa 19,341 empleyado na karamihan ay kumikita ng ₱16,000 to ₱22,000 ang apektado ng POGO ban.

Upang hindi naman lubos maapektuhan ang sektor, isang special job fair ang inihahanda na nila para agad makapaghanap ng bagong trabaho ang mga displaced POGO workers.

Gaganapin ang job fair sa Parañaque City sa October 10. Sa ngayon, mayroon na rin aniyang 70 employers ang kalahok na sa naturang job fair.

Bukod dito, maaari ring matulungan ang mga mangaggawa sa pamamagitan ng TUPAD Program at pagbibigay sa kanila ng livelihood projects.

Sa ngayon, patuloy rin ang pag-follow up ng DOLE-NCR sa mga natitirang establisimyento para makuha ang kanilang listahan sa lalong madaling panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us