Iprinisenta ng Department of Science and Techonology (DOST) ang kanilang panukalang ₱28.77-billion na budget sa House Committee on Appropriations.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, malaking bahagi ng kanilang budget ay ilalaan para sa Strategic Science Technology Program and Regional Countryside Development.
Ayon kay Solidum, pinalalakas ng kagawaran ang kanilang operasyon hindi lamang sa national, bagkus maging mga nasa rehiyon upang pabilisin ang “generation of knowledge, technology and innovation.”
Mahalaga ito aniya para matiyak ang tamang nutrisyon, food security, malinis na tubig, at kalusugan ng sambayanan.
Sa pamamagitan din ng kanilang budget proposal ay inaasahang maitatag ang de-kalidad na science and technology education.
Diin pa ng kalihim, patuloy na palalakasin ng DOST ang pagresponde ng bansa sa krisis laban sa natural at human induced hazards. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes