Nag-abiso ngayon sa publiko ang DOTr-MRT3 na iwasang makipagtransaksyon sa Facebook page na “Manila Transport.”
Kasunod ito ng pinakakalat na fake news ng naturang page kabilang ang umano’y free ride na buong taong alok sa MRT3 pero may kalakip na link.
Paglilinaw ng MRT-3, hindi konektado at hindi awtorisado ang anumang pahayag na matatagpuan sa naturang page.
Taliwas din sa nakapaskil sa ‘Manila Transport,’ hindi humihingi ng detalye ng bank account ng anumang pasahero ang MRT-3.
Dahil dito, pinapayuhan ng linya ng tren ang publiko na mag-ingat sa pakikisalamuha sa mga hindi opisyal at kahina-hinalang account sa social media.
Dagdag pa nito, may iisa lamang na official Facebook page ang DOTr-MRT3. | ulat ni Merry Ann Bastasa