Hindi pa aprubado sa Senate Committee on Finance ang panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalag ng P898 billion.
Paliwanag ni Senate Committee on Finance Chairperson Senator Grace Poe, marami pang mga senador ang nais magtanong tungkol sa proposed 2025 budget ng ahensya at hindi sapat ang naging oras nila kahapon.
Kabilang sa mga natalakay sa budget hearing ang P251.1 billion na pondo ng ahensya para sa flood management program.
Pinunto ni Senator Loren Legarda, na kung tutuusin ay aabot sa P688.5 billion kada araw ang pondo ng DPWH para kontrolin ang pagbaha.
Sa kabila nito, patuloy pa ring nararanasan ang malawakang pagbaha tuwing may sama ng panahon.
Tiniyak naman ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, na nagpapatupad na ang ahensya ng flood control projects sa ilalim ng Build Better More program ng administrasyon.
Aminado ang kalihim, na bagamat hindi agad-agad matutugunan ang nararanasang pagbaha ay makakaasa naman ang ating mga kababayan ng improvements sa pagtugon sa flood control, lalo na sa mga low-lying area.
Dinagdag rin ng kalihim na may mga programa rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)para sa pagresolba ng baha. | ulat ni Nimfa Asuncion