DPWH, inaasahang mas bubuti ang flood control sa bansa sa tulong ng mga infra projects ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa aprubado sa Senate Committee on Finance ang panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng ₱898-billion pesos.

Paliwanag ni Senate Committee on Finance Chairperson Senador Grace Poe, marami pang mga senador ang nais magtanong tungkol sa proposed 2025 budget ng ahensya at hindi sapat ang naging oras nila kahapon.

Kabilang sa mga natalakay sa budget hearing ang ₱251.1-billion na pondo ng ahensya para sa flood management program.

Pinunto ni Senador Loren Legarda na kung tutuusin ay aabot sa ₱688.5-billion pesos kada araw ang pondo ng DPWH para kontrolin ang pagbaha.

sa kabila nito, patuloy pa ring nararanasan ang malawakang pagbaha tuwing may sama ng panahon.

Tiniyak naman ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na nagpapatupad na ang ahensya ng flood control projects sa ilalim ng Build Better More Program ng administrasyon.

Aminado ang kalihim na bagamat hindi agad-agad matutugunan ang nararanasang pagbaha ay makakaasa naman ang ating mga kababayan ng improvements sa pagtugon sa flood control, lalo na sa mga low-lying areas.

Dinagdag rin ng kalihim na may mga programa rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagresolba ng baha.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us