Natapos na ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) ang mga pangunahing pagpapahusay sa imprastruktura ng House of Representatives sa Quezon City kung saan isinagawa nito ang ilang mga repair at maintenance.
Kasama sa mga improvement, ayon sa DPWH, ay ang pagkukumpuni ng Legislative Security Building at ang pagtatayo ng bagong dalawang-palapag na Custodial Center sa Batasan Hills.
Sa inayos na Legislative Security Building, may mas ligtas at accessible na mga istruktura ang isinagawa kabilang ang mga rampa para sa mga persons with disability (PWD), gayundin ang pagsasaayos ng mga sistema ng elektrikal at mekanikal.
Samantala, ang bagong Custodial Center ay nagbibigay naman ng mas komportableng espasyo para sa mga taong nasa kustodiya ng Legislative Security.
Layunin ng mga pagbabagong ito ng DPWH-NCR na mapabuti ang kaligtasan at paggamit ng mga pasilidad sa loob ng House complex.| ulat ni EJ Lazaro