Drug Den sa san Pedro Laguna, sinalakay ng PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na drug personality na nahuli sa isang buy-bust operation sa Barangay Lorenzo, San Pedro City, Laguna.

Ito ay matapos salakayin ng PDEA Laguna Provincial Office at San Pedro City Police station ang drug den sa lalawigan.

Kinilala ang mga nahuli na sina Nehru Bautista, di umano’y maintainer ng drug den; Donald Tinio, Ronaldo Lopena at Merbin Villate.    

Nabawi mula sa kanila ang illegal drugs na nagkakahalaga ng P47,600 buy-bust money at drug paraphernalia.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga drug personality dahil sa paglabag sa Republic Act no. 9165. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us