Makikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development sa Land Bank of the Philippines para sa mas mabilis na pagbibigay ng cash assistance sa mga benepisyaryo.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na di-sapat ang sasakyan sa ibang Field Office ng DSWD na magdadala ng pera para sa payout.
Bukod pa rito ang peligrong dulot nito para sa mga empleyado.
Sa ilalim ng kasunduan, ang LBP ang mamahala sa ‘cashiering’ habang ang DSWD naman ang gagawa para sa validation.
Tiniyak ni Gatchalian na ang DSWD na ang babalikat sa administrative costs nito at hindi mababawas sa cash assistance na matatanggap ng mga benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer