DSWD, handang tumugon sa iba pang bagyong tatama sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng ongoing na relief operations sa mga apektado ng bagyong Enteng ay naghahanda na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtugon sa isa pang posibleng panibagong bagyo sa bansa.

Kasunod ito ng pahayag ng PAGASA kaugnay ng bagong sama ng panahon na mabubuo sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, tuloy-tuloy ang stockpiling ng ahensya para may agad mai-deploy sa mga lugar na mangangailangan ng family food packs.

May nakahanda ring ₱134-milyong alokasyon ang DSWD para sa standby funds.

Bukod dito, nag-request na rin ng ₱875-million replenishment ang DSWD para sa kanilang Quick Response Fund.

Mahigpit na ring nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan na posibleng maapektuhan ng panibagong sama ng panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us