Nakikiisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagdiriwang ng National Family Week.
Ngayong linggong ito mula Sept 23-27 ang selebrasyon ng ika-32 taon ng National Family Week batay na rin sa Presidential Proclamation No. 60.
Sa isang pahayag, hinikayat ni DSWD Usec. Adonis Sulit ang bawat isa na maglaan ng panahon para kilalanin ang mahalagang papel ng mga pamilya sa lipunan.
“As we celebrate National Family Week, let us take a moment to recognize the vital role families play in our society. Families are the foundation of our communities, nurturing values, culture, and resilience.”
Kasabay nito, hinimok ng opisyal ang mga pamilya na lumahok sa mga aktibidad ngayong linggo para mas lalo pag mapagtibay ang kanilang relasyon.
Kabilang na rito ang “Kainang Pamilya Mahalaga Day” ngayong lunes.
“Spend mealtime, bond, and connect with your families,” sabi pa ni Undersecretary Sulit.
Si Usec Sulit ang siyang tumatayong Alternate Chairperson of the National Committee on the Filipino Family (NCFF).
May tema namang “Pamilyang Tutugon sa Pagbabago ng Panahon,” ang selebrasyon ng National Family week ngayong taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷 DSWD