Nakapaghatid na ng 17,000 boxes ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development sa Batanes sa gitna ng pananalasa ng bagyong Julian.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, madali na aniyang maka-access ang mga residente sa hatid na tulong para sa kanilang pangangailangan.
Pagtiyak pa ni Dumlao na tuloy-tuloy pa ang prepositioning ng food packs at iba pang relief items para sa augmentation support sa mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng DSWD Field Offices ang pananalasa ng bagyo sa lugar.
Sa kabuuan may stockpile na 75,084 boxes ng family food packs ang Field Office 1 sa Ilocos Region habang 123,900 food packs naman sa DSWD Field Office-2 Cagayan at 64,313 family food packs ang available sa Cordillera Administrative Region Field Office.
Batay sa huling ulat ng PAGASA binabayo ng malalakas na ulan at hangin ang lalawigan ng Batanes, hilagang bahagi ng Babuyan Islands at iba pang bahagi ng Babuyan Islands at Hilagang-Silangang bahagi ng Cagayan. | ulat ni Rey Ferrer