DSWD, nagtalaga ng 219 personnel sa 166 ‘Malasakit Centers’ sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagpadala na ito ng 219 personnel sa may 166 Malasakit Centers sa iba’t ibang pampublikong ospital sa bansa.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang presensya ng social workers sa Malasakit Centers ay para matiyak na mabibigyan ng mabilis at maagap na serbisyong medikal ang mga indigent at financially incapacitated patients.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop-shop na matatagpuan sa mga public hospital sa bansa.

Bilang isa sa participating agencies, ang DSWD ay nagbibigay ng medical at cash assistance sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us