Aabot na sa higit P16 milyon ang halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Enteng at habagat.
Kabilang dito ang mga ipinamahaging family food packs bilang augmentation sa mga apektadong LGUs.
Kaugnay nito, umakyat pa sa higit 80,000 pamilya o 303,938 na indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Enteng.
Habang aabot naman sa 14,607 na pamilya o katumbas ng 60,202 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa higit 400 evacuation centers.
Mayroon ding 18 tahanan ang labis na napinsala ng bagyo habang 53 ang partially damaged.
Ngayong araw (September 3), personal namang tinutukan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang relief efforts ng kagawaran sa mga apektado ng kalamidad sa Antipolo City at San Pedro, Laguna. | ulat ni Merry Ann Bastasa