Aabot na sa ₱19-million ang halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang nakaranas ng epekto ng bagyong Ferdie, Gener, at habagat.
Ayon sa DSWD, karamihan ng tulong na ipinaaabot sa ngayon ng ahensya ay family food packs.
Inilaan naman ito sa mga rehiyong labis na tinamaan kabilang ang Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol Region, at walong iba pa.
As of September 17, umakyat pa sa 149,175 pamilya o higit kalahating milyong indibidwal ang naitalang naapektuhan ng kalamidad.
Nananatili namang available ang higit dalawang bilyong pondo ng ahensya para tumugon sakaling madagdagan pa ang mga lugar na tamaan ng iba pang bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa