Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng paunang relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng habagat at bagyong Ferdie sa Zamboanga Peninsula.
Sa ulat ng DSWD Field Office (FO) 9, abot sa Php62,600.14 halaga ng tulong ang ipinamahagi sa mga displaced families sa Zamboanga City sa Zamboanga del Sur, Sirawai sa Zamboanga del Norte, at Isabela City sa Basilan.
Ang bigay na tulong ay kinabibilangan ng family food packs, hygiene kits, kitchen kits, at sleeping kits.
Nakikipag-ugnayan pa ang DSWD Field Office sa City/Municipal Social Welfare and Development Office sa mga affected local government units.
Ito’y para sa assessment at validation ng mga apektadong pamilya at nasirang mga bahay.| ulat ni Rey Ferrer