Tututukan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang distribusyon ng financial assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Enteng sa susunod na linggo.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tinatapos na lamang ng ahensya ang mga request para sa family food packs.
Tiniyak din ng kalihim na sapat at hindi magkukulang ang relief items bilang paghahanda sa mga posible pang kalamidad na darating sa bansa.
Hindi aniya tumitigil ang ahensya sa disaster response operation upang masiguro na mabibigyan ng tulong ang lahat ng mga residenteng nasalanta ng nagdaang bagyo.
Ayon sa DSWD chief, higit kalahati na ng tinatayang 500,000 Family Food Packs ang nakalaan para sa Enteng-hit families ang naipamahagi na sa buong bansa bilang augmentation support sa mga apektadong local government units (LGUs). | ulat ni Rey Ferrer