Sinisiguro ng Department of Social Welfare and Development na gumagana ang protocol ng ahensya sa pag-asiste at pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng pang-aabuso laluna sa mga kabataan.
Pahayag ito ng DSWD bilang tugon sa tanong kung ano ang nagiging interbensyon ng ahensya sa mga kabataang biktima ng pananamantala sa kamay ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Statutory Programs Ada Colico, bahagi ng kanilang protocol ang referral na galing sa Philippine National Police Women’s and Children’s Desk, bago ang ginawang profiling at immediate provision ng support services.
Katunayan aniya, nabigyan na ng paunang suporta gaya ng financial assistance ang mga biktima at testigo na humarap sa pagdinig noon ng Senado.
Bukod dito, ang psychosocial intervention dahil sa trauma na kanilang naranasan sa sinasabing pang-aabuso sa kanila.
Una nang iginiit ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi mananahimik at maninindigan ang ahensya pabor sa kapakanan ng mga biktima laluna na ng mga kabataan. | ulat ni Rey Ferrer