Tuloy-tuloy pa ang paglalatag ng family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 sa mga satellite warehouse nito sa buong Ilocos Norte.
Ang hakbang na ito ng DSWD ay bilang paghahanda sa epekto ni bagyong Julian para makapagbigay ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad.
Batay sa ulat ng PAGASA ngayong tanghali, lalo pang tumindi ang lakas ni bagyong Julian habang nasa karagatan sa silangang bahagi ng Cagayan.
Huli itong namataan sa layong 290 km ng silangan hilagang-silangan ng Aparri Cagayan o 300km sa silangan ng Calayan Cagayan.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal #3 sa hilagang silangang bahagi ng Babuyan Island.
Signal # 2 naman sa Batanes, hilagang silangang bahagi ng Mainland Cagayan, at iba pang lugar sa Babuyan Island at Signal #1 pa sa iba pang lugar sa hilagang Luzon. | ulat ni Rey Ferrer