Nanindigan ang Department of Trade and Industry (DTI) na walang aasahang taas-presyo sa ngayon ang publiko sa mga pangunahing bilihin.
Ito’y sa kabila ng patuloy na apela ng ilang manufacturers na pagbigyan na ang hirit nilang dagdag presyo.
Kasama na rito ang Pinoy Tasty at pandesal gayundin ang ilang brand ng delata.
Ayon kay DTI Secretary Ma. Cristina Roque, ongoing pa rin ang pakikipag-usap nila sa mga manufacturer gayundin ang konsultasyon sa mga consumer.
Habang wala pang desisyon dito, mananatili pa rin ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga bilihin.
Kaugnay nito, sinabi ng DTI na wala pa namang nagsusumite sa kanila ng request kaugnay ng taas-presyo sa ilang Noche Buena items. | ulat ni Merry Ann Bastasa