Kumpiyansa ang ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) na kayang makamit ng Pilipinas ang 6.1% gross domestic product ngayong 2024.
Pasok ito sa pagtaya ng economic managers na paglago ng ekonomiya para ngayong taon ng 6.0% to 7.0%.
Ayon kay AMRO principal economist Runchana Pongsaparn ang economic performance ng bansa ay inaasahang magtutuloy tuloy at aabot ng 6.3 GDP growth hanggang sa susunod na taon 2025.
Aniya ang paglago ay itutulak ng mataas na paggasta ng gobyerno, pagtaas ng external demand at pagpapalakas ng domestic demand.
Dagdag pa ng AMRO official, inaasahang bibilis ang private consumption dahil sa malakas na labor market, mas mababang inflation, pinalakas na overseas dollar remittance, easing of monetary policy at ang nakikitang improvement sa private investment. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes