Inaunsyo ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na malaking hakbang sa peace process ang gagawing unang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 2025.
Ayon kay OPAPRU Communications and Public Affairs Head Darwin Wally Wee, mabibigyan ang eleksyon ng mas mataas na political empowerment ang BARMM dahil magagamit nila ang kanilang political rights alinsunod sa pinirmahang peace agreement sa Bangsamoro.
Hindi na anila kailangan ng dahas dahil maaari silang makilahok sa parlyamento at maglunsad ng mga polisiya para sa lipunan.
Aniya, halos dalawang libong combatant ng MNLF na ang sumalang sa Socio-Economic Profiling upang magamit na nila ang mga serbisyo ng gobyerno.| ulat ni Rey Ferrer