Binibigyang paalala ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang lahat ng Pilipino, partikular na ang mga nasa katimugang bahagi ng Beirut, na mag-ingat matapos ang sunod-sunod na pagsabog dulot ng pag-atake ng militar ng Israel sa punong-tanggapan ng Hezbollah gabi ng Setyembre 27.
Sa abiso ng Embahada, mahigpit na pinapayuhan ang mga Pilipino na iwasan ang mga apektadong lugar at isaalang-alang na ang pag-alis ng bansa habang bukas pa ang mga palipatan lalo na ang mga undocumented workers na kinakailangang kumuha ng exit clearance mula sa mga awtoridad ng Lebanon.
Para sa nangangailangan ng tulong, maaaring tumawag sa ATN hotline ng Embahada para sa mga permanent residents sa 70 858 086, o sa Migrant Workers Office sa 79 110 729.
Patuloy naman ang mahigpit na pagsubaybay ng Embahada sa sitwasyon at pagbibigay ng mga update kung kinakailangan. | ulat ni EJ Lazaro