Tinanggap ng mga lumahok na mga mamamahayag sa katatapos lamang na workshop na tumututok sa climate reporting ang kanilang mga certificate na patunay na naging kabahagi sila ng pagsasanay na naglalayong pahusayin ang climate journalism sa Pilipinas.
Inorganisa ang nasabing programa para sa mga Pilipinong mamahayag ng Deutsche Welle (DW) Akademie at German Embassy sa Maynila. Pinamagatan ang inistiyatiba na “Covering Climate: Qualification of Environmental Journalists of the Philippines,” kung saan sinanay ang mga mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa paggawa ng mga malalim at solution-based na ulat kaugnay ng climate change.
Suportado rin ang programa ng Federal Foreign Office ng Germany at sa pakikipagtulungan din ng Climate Change Commission (CCC) ng Pilipinas, kung saan tampok din sa workshop ang mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa na nagturo at nagbigay ng mentorship sa paggawa ng mga climate-focused na kuwento para sa print, broadcast, at online platforms.
Napapanahon din ang pagsasanay na ito para sa Pilipinas, na isa sa mga bansang pinakaapektado ng nagbabagong klima dahil sa pinakahuling tala lamang ng World Risk Index report para sa 2024, nangunguna muli ang Pilipinas, sa ikatlong magkakasunod na taon, sa mga bansa sa buong mundo na pinakaapektado ng humanitarian disaster na dulot ng extreme natural events tulad ng lindol at mga bagyo, kasama rin ang epekto ng climate change. | ulat ni EJ Lazaro