Nagpasalamat ang Presidential Communications Office (PCO) sa mabilis na paglusot ng P2.2 bilyong budget ng tanggapan sa plenary debates sa Kamara.
Ayon kay Communications Secretary Cesar Chavez, dahil sa tiwalang ipinamalas ng mga mambabatas sa ahensya, lalo’t na walang kumontra sa pagdinig, lalo lamang kakayod ang PCO na ihatid ang serbiyong publiko na ipinangako nito sa mga Pilipino.
“The fact that our budget breezed through plenary without a single question asked and no opposition manifested spurs us more to deliver on the outcomes we have promised in that budget,” —Secretary Chavez.
Makakaasa aniya ang publiko na bawat sentimo sa pondong ito ay epektibong magagamit ng tanggapan para sa mga plano at programa nito, alinsunod sa itinatakda ng batas.
“We pledge to spend every peso efficiently, according to plans and programs, and fully compliant with laws,” — Secretary Chavez.
Kaugnay nito, kinilala rin ng kalihim ang buong suporta ng Kamara sa mga bagong programa ng PCO, na aniya, ang pangunahing mandato ay nakatuon sa paglalabas ng mga pahayag o impormasyon na totoo at napapanahon, kaugnay sa mga serbisyo at programa ng pamahalaan.
“We appreciate the House’s full support for our new programs, the driving mandate of which is the truthful and timely communication of government services and initiatives to the public and all issues that affect them,” — Sec Chavez.
Sumasalamin aniya ang tiwala ng Kamara sa kumpiyansa nito sa misyon at sa pangkabuuang organisasyon ng PCO, at hindi bibiguin ng tanggapan ang Kongreso.
“This is a vote of confidence in our mission and organization, which we shall work to redeem in full,” — PCO Sec. Chavez. | ulat ni Racquel Bayan