Nagpaabot na ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ng tulong sa mga residente na inilikas sa mga evacuation center dulot ng bagyong Enteng.
Kabilang sa ipinamahagi ng LGU sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Department (CDRRMD) at City Social Welfare Development Department (CSWDD) ang medical check-up, hot meals, tents, at sleeping kits.
Nasa kabuuang 632 residente naman ang nakinabang sa tulong na karamihan ay mula sa mga binahang barangay sa lungsod.
Patuloy naman ang paalala ng LGU sa mga residente na manatiling alerto at tumawag sa emergency hotline na 888-ALONG(25664) kung kinakailangang ng agarang responde o tulong sa paglikas. | ulat ni Merry Ann Bastasa