Ibinasura umano ng korte sa Timor Leste ang request ng pamahalaan na maiuwi sa Pilipinas and dating kongresista na si Arnulfo Teves.
Sa Media Forum, ipinakita ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio ang dokumento hinggil dito.
Aniya, ang Plenary of the Court of Appeals ng Timor Leste ay nagdesisyon umano na “null and void” ang extradition request ng pamahalaan.
Dahil dito, sinabi ni Topacio, hindi agad maiuuwi ng bansa si Teves taliwas sa mga naging pahayag ng Department of Justice (DOJ).
Wala pang tugon ang DOJ sa dokumento at pahayag na nilabas ng kampo ni Teves.| ulat ni Rey Ferrer