Abiso sa mga motorista…
Pansamantalang ipinatutupad ang two-way traffic sa F. Manalo Bridge sa Barangay Manggahan sa Pasig City mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng madaling araw.
Batay sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, ito ay para lamang sa mga tricycle, motorsiklo, bisikleta, e-bike, at mga pedestrian.
Kabilang din sa papayagan na makadaan sa naturang tulay ang mga ambulansya na may emergency call at mga e-trike na may bigat na mas mababa sa 1,000 kilograms.
Samantala, pansamantala pa ring ipinagbabawal na dumaan sa F. Manalo Bridge ang mga SUV, PUV, fire truck, van, at cargo truck.
Matatandaang isinara ang naturang tulay matapos na masira dahil sa nagsalpukan ng mga inaanod na barge at tugboat noong kasagsagan ng Bagyong Carina.| ulat ni Diane Lear