Binigyan pagkilala ni Finance Secretary Ralph Recto ang Philippine Tax Academy (PTA) sa kanilang isinasagawang malawak na training programs upang pataasin ang revenue collection sa bansa.
Ayon kay Recto, ang PTA ay “crucial” partner ng Department of Finance (DoF) upang matiyak na ang mga revenue generating agencies ay well equipped at may sapat na kaalaman upang itaas ang collective level of efficiency, transparency at credibility.
Aniya, sagutin ng gobiyerno sa mga taxpayers na walang mga inconsistencies sa tax collection at ipagkaloob ang pinakamahusay na serbisyo sa mga nagbabayad ng buwis.
Ang PTA ay government-owned and controlled corporation bilang isang learning institution for tax collectors and administrators ng pamahalaan at ilang private sector.
Noong nakaraang taon, nakapagsanay na ng 7,242 na empleyado habang nasa 53 course modules ang nadevelop.
Ka-partner din ng PTA ang anim na kilalang academic and training institutions upang ma-adopt nito ang international best practices sa curriculum in tax administration.| ulat ni Melany V. Reyes