Inilatag ng Department of Education (DepEd) ang flexible guidelines nito sa pagpapatupad ng MATATAG Curriculum.
Sa ilalim ng DepEd Order no. 12 series of 2024, layon nito na magpatupad ng ilang mga pagbabago sa kasalukuyang curriculum upang mapagaan ang pasanin ng mga guro.
Alinsunod sa bagong panuntunan, bibigyang kapangyarihan ang mga Principal na magpatupad ng mga polisiya na nakadepende sa pangangailangan ng kanilang Paaralan.
Kabilang na rito ang paglalaan ng 45 minuto hanggang 1 oras sa bawat asignatura gaya ng Englis, Math, Science na ituturo 5 beses sa isang linggo.
Habang 4 na beses isang linggo naman ituturo ang Edukasyong Pantahnan at Pangkabuhayan; Music, Arts, Physical Education an Health (MAPEH), Araling Panlipunan at Filipino.
Habang isang beses bawat linggo naman ituturo ang Good Manners and Right Conduct gayundin ang Home Guidance Program.
Kung hindi ito uubra sa mga Paaralan din ng kapangyarihan ng DepEd ang mga Principal o School Head na magpatupad ng iba pang mga hakbang nang hindi lalagpas ng 5 oras at 30 minuto bawat araw. | ulat ni Jaymark Dagala