Food packs, ipamamahagi ng Office of the Speaker at Tingog Party-list sa evacuation centers sa NCR at Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mamamahagi ng food packs ang Office of the Speaker at Tingog Party-list sa iba’t ibang evacuation centers sa National Capital Region (NCR) at Rizal simula ngayong araw.

Nasa 35,000 na food packs na naglalaman ng delata, noodles, at bigas ang ipamamahagi sa mga apektadong pamilya na lumikas at nasa evacuation centers dahil sa bagyo.

Galing sa personal na disaster relief funds ang ginamit para sa relief packs.

Bago ito ay nauna nang humiling ang Office of the Speaker ng pinansyal na ayuda na nagkakahalaga ng ₱390-million para sa 39 na distritong apektado ng bagyong Enteng.

Ipinaabot naman ni Speaker Martin Romualdez ang pakikidalamhati sa mga pamilyang apektado ng pagbaha dahil sa bagyo lalo at kailan lang nang manalasa ang bagyong Carina.

“I understand how overwhelming it must be to face these challenges back-to-back, and I want you to know that you are not alone – we stand with you during this difficult time,” sabi ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us