Pormal nang iiwan ni dating Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang kanyang pwesto bilang Tagapangulo ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan bukas, ika-30 ng Septyembre 2024.
Sa ilalim ng pamumuno ni Bello, pinuri ng Filipino community sa Taiwan ang kaniyang pamamahala sa MECO, partikular sa pagtugon sa mga pangangailangan at karapatan ng mga Pilipinong manggagawa roon.
Kabilang ang ilang organisasyon ng mga Pilipino sa Taiwan, tulad ng Federation of Filipino Communities, na nagpahayag ng papuri kay Bello sa kaniyang epektibong pamumuno. Kinilala nila ang kanyang dedikasyon sa pagpapabuti ng buhay ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at sa pagpapalakas ng ugnayan ng komunidad ng mga Pilipino at Taiwanese society.
Papalitan si Sec. Bello ni dating Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong miyembro at Tagapangulo ng MECO.
Tinatayang may nasa higit 150,000 na Pilipino naman ang nagtatrabaho sa kasalukuyan sa Taiwan.| ulat ni EJ Lazaro