Bilang pakikiisa sa World Rabies Day, mag-aalok ang Lungsod ng Taguig ng libreng veterinary services para sa mga alagang hayop sa darating na Pet Summit nito sa September 30 sa Taguig City University Auditorium.
Bukod sa mga veterinary services, magkakaroon din ng PAWshion Show kung saan maaaring ibida ng mga pet owners ang kanilang mga alagang hayop.
Kinakailangan lamang na mag-register sa pamamagitan ng Google forms sa pag-scan ng mga ibinigay na QR code na makikita sa official page ng Taguig CIty sa Facebook na I Love Taguig.
Gaganapin ang nasabing event magmula 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Ang World Rabies Day ay isang kaganapan na ipinagdiriwang taon-taon kung saan layunin nitong itaas ang kamalayan tungkol sa pag-iwas sa rabies at upang bigyang-diin ang mga progreso sa paglaban sa nasabing sakit.| ulat ni EJ Lazaro