Gobyerno, magpapatupad ng mga bagong hakbang upang magtuloy-tuloy ang pagbaba ng inflation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na magpapatupad ang gobyerno ng ilang mga bagong hakbang upang matiyak na magtuloy-tuloy ang pagbaba ng inflation.

Magpapatupad ang Department of Agriculture (DA) ng “targeted measures” upang pangalagaan ang kapakanan ng mga Filipino farmers at food security.

Kabilang dito ang MC No.35 o extension ng required shipout date ng imported na bigas mula 30 to 60 days; pagsuporta sa pagpapalawig ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2030; expansion ng Kadiwa ng Pangulo program sa Visayas at Mindanao; at pagbili ng African Swine Fever vaccines para sa mga maliliit na swine raisers.

Sinimulan na rin ng DA ang istratehiya para sa water management bilang paghahanda sa La Niña.

Ayon kay Recto, maliban sa mga ito, isinusulong din nila ang staggered implementation ng electricity rate hikes para ma-mitigate ang impact ng non-food inflation.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us