Gobyerno, tiniyak ang suporta at commitment para palakasin ang health sector

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto sa Philippine General Hospital (PGH) ang buong suporta na pagbutihin at palakasin ang mga serbisyo at sistemang pangkalusugan ng bansa.

Ginawa ni Recto ang pahayag sa kanyang pulong kasama si PGH Director Gerardo “Gap” Legaspi.

Kabilang sa kanilang tinalakay ang mga paraan kung paano mas masusuportahan ang mga serbisyo ng PGH at magbigay ng mas malawak na access sa abot-kayang kalusugan at pangangalagang medikal para sa mga Pilipino.

Binigyang-diin naman ng PGH director ang mga kasalukuyang prayoridad ng pinakamalaking tertiary hospital ng gobyerno sa bansa kung saan nangangailangan ng kagyat na pondo.

Tugon ni Recto “deserved” ng public health ang full support at commitment ng gobyerno at sisiguruhing ilalaan ang higher health spending sa health sector.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us