Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang $106.9 billion na gross international reserves, maituturing na pinakamataas para sa taong 2024 sa ngayon.
Base sa datos ng ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ito na ang pang-11 buwan na mahigit $100-bilyong ang dollar reserves ng bansa.
Ayon sa BSP, ang month-on-month na pagtaas ng GIR ay dahil sa kita ng BSP sa mga investment nito abroad.
Sapat ito na liquidity buffer na katumbas ng 7.9 months na import of good, primary income at payment services.
Ayon naman kay RCBC economist Michael Ricafort, magandang sensyales ito sa ekonomiya ng bansa.
Malaki rin aniya ang naging ambag ng OFW remittances, kita sa Business Process Oursourcing, tourism receipts foreign investment exports. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes