GSIS, naglaan ng ₱1.5 bilyon para sa dengue loan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng ₱1.5 bilyon na emergency loan sa mga miyembro at pensioners nito na apektado ng dumaraming kaso ng dengue.

Sinabi ni GSIS president at general manager Wick Veloso na binuksan ng ahensya ang emergency loan window nito para sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity sa Eastern Visayas bunsod ng paglobo ng kaso ng dengue sa rehiyon.

Dagdag pa niya, ang emergency loan program ay naglalayon na magbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga miyembro na maaaring may inaasahang gastos sa pagpapagamot at pagkawala ng kita.

Para sa mga interesado, ang mga kwalipikado ay kinakailangang nagtatrabaho o nakatira sa mga apektadong lugar, nasa aktibong sebisyo na may hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa loob ng huling anim na buwan, walang pending administrative o criminal cases at iba pa.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang official website at Facebook page ng GSIS. | ulat ni Jollie Mar Acuyong

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us