Sinigurado ng Government Service Insurance System na nakahanda ang kanilang ahensya na magbigay tulong para sa kànilang miyembro na nasalanta ng bagyong Enteng.
Ayon kay GSIS President ang General Manager, Wick Veloso, handa nilang buksan ang kanilang emergency loan at iba pang serbisyo para makapagbigay ng tulong sa kanilang mga miyembro.
Paliwanag Veloso, sa oras na madetermjna ang mga lokasyon at lugar sa bansa na nasa ilalim ng State of Calamity ay agad aaksyon ang GSIS para sa mabilisang tulong.
Binigyang diin ni Veloso na ang mga kwalipikadong miyembro ng GSIS ay maaring makapag loan sa pamamagitan ng GSIS Touch o di kaya naman sa mga GWAPS kiosk na nasa mga ahensya ng pamahalaan at ibang mga malls.
Para sa karagdagang impormasyon maaring bumisita sa website ng GSIS na gsis.gov.ph o sa kanilang social media pages. | ulat ni Lorenz Tanjoco