GSIS, tiniyak na poprotektahan ang mga impormasyon ng mga miyembro nito matapos ang hacking incident sa ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniya ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga empleyado nito, miyembro, at mga pensioners, na prayoridad ng ahensya ang protektahan ang impormasyon ng mga ito.

Ayon sa GSIS, ipinapatupad na nito ang mga kinakailangang hakbang para maprotektahan ang mga impormasyon at sistema nito.

Patuloy din anilang ginagawa ngayon ang lahat ng aksyon na kinakailangan para matiyak ang seguridad at privacy ng mga impormasyon na ipinagkatiwala sa kanila.

Matatandaang kahapon, ay kinumpirma ng ahensya na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang security partner na nakompromiso ang admin account ng isa sa kanilang mga computers. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us