Test computer.
Ito ang computer system na nabiktima ng mga hacker matapos atakihin ng mga hackers ang Government Service Insurance System (GSIS).
Ayon sa ahensya, offline na ang nasabing computer habang patuloy nagsasagawa ang ahensya ng imbestigasyon hinggil sa kung hanggang saan ang epekto ng nasabing hacking incident.
Dagdag pa ng GSIS na ang nasabing test computer ay naglalaman ng mga dummy data na ginagamit sa mga testing ng GSIS.
Giit ng GSIS, vina-validate na ngayon ng kanilang ahensya ang mga claims ng mga hacker para matiyak ang pagsunod sa requirements ng Data Privacy Act.
Matatandaang kahapon, ay kinumpirma ng ahensya na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang security partner na nakompromiso ang admin account ng isa sa kanilang mga computers. | ulat ni Lorenz Tanjoco