Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng halos 10,000 pamilya o 41,998 indibidwal na apektado ng Bagyong Enteng sa NCR.
Ayon sa DSWD-NCR, nasa 60 barangay ang naapektuhan ng kalamidad mula sa Caloocan, Las Pinas, Malabon, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Taguig, Quezon, San Juan, at Valenzuela City.
Mayroon din sa ngayong 6,299 pamilya o 27,366 indibidwal ang pansamantalang nananatili sa 72 evacuation centers.
Tiniyak naman ng DSWD Field Office National Capital Region (NCR) – Disaster Response Management Division, na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga Lokal na Pamahalaan sa Metro Manila upang makapagbigay ng resource augmentation tulad ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Enteng.
Nasa 7,500 Family Food Pack na rin ang naipamahagi ng DSWD NCR sa lungsod ng Marikina at Pasig. | ulat ni Merry Ann Bastasa