Halos 700 pulis sa Zamboanga Peninsula, ipakakalat para sa pagsisimula ng COC filing simula bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-alerto na ang aabot sa halos 700 pulis ang ipakakalat para sa pagsisimula ng paghahain ng kandidatura o filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Zamboanga Peninsula bukas, October 1.

Ayon kay Police Regional Office-9 Director, Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, inatasan na nito ang nasa 656 na mga tauhan nito na bantayan ang nasa 48 na filing venues sa kanilang area of responsibility.

Kasama na rito ang paglalagay ng checkpoints bilang bahagi na rin ng pinaigting na seguridad na kanilang ipatutupad sa lugar.

Iniulat din ni Masauding na walang naitalang aktibong Private Armed Groups (PAGs) sa kanilang nasasakupan hanggang sa ikatlong bahagi ng taong kasalukuyan.

Sa kasalukuyan, sinabi ng opisyal na wala silang natatanggap na anumang security threat sa bisperas ng paghahain ng kandidatura sa kanilang nasasakupan.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us