Heavy Rainfall Warning, nakataas sa ilang lalawigan sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang banta ng malakas na ulan sa ilang lalawigan sa Luzon dahil sa epekto ng bagyong Enteng.

Sa 5am Heavy Rainfall Warning na inilabas ng PAGASA, nakataas ang Orange Rainfall Warning sa Quezon kung saan malaki ang banta ng pagbaha.

Nasa ilalim naman ng Yellow Rainfall Warning ang Laguna, Rizal, at Batangas kung saan pinag-iingat sa baha ang mga nasa flood prone areas.

Samantala, inaasahan namang magpapatuloy rin ang mahina hanggang katamtamang ulan sa bahagi ng Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Bulacan, Cavite, at Metro Manila. Ito ay tatagal ng tatlong oras.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay at alerto sa banta ng mga pag-ulan at pagbaha. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us