Help Desk para sa mga OFW sa Lebanon, binuksan na ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbukas na ang Department of Migrant Workers (DMW) ng Help Desk sa Lebanon.

Ayon sa DMW, sakop nito maging ang mga undocumented overseas Filipino worker (OFW) na nangangailangan ng agarang tulong.

Sa gitna ito ng lumalalang tensyon at sunod-sunod na pambobomba ng Israel sa Lebanon.

Sa abiso ng DMW, maaaring tumawag sa kanilang hotlines ang mga OFW na nangangailangan ng tulong sa numerong 8522-3663 o sa 0919-067-3975.

Ilan kasi sa problema ng mga Pilipino sa Lebanon ay ang kawalan ng dokumento na madadala sa kanilang paglikas.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahan ang Facebook page ng DMW. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us