Kabuuang 1,752 mga magulang mula sa Quezon City ang nakatanggap ng kabayaran mula sa Tara Basa Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang mga benepisyaryo ay mula sa 19 na Elementary Schools sa Districts 1, 3, at 4. Bawat isa sa kanila ay binigyan ng tig Php 4,700.
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Joy Belmonte sa parent-tutors para sa kanilang dedikasyong umagapay sa kapakanan ng mga kabataang taga Quezon City.
Layon ng programa na matutukan ng mga Youth Development Worker at mga magulang ang mga studyante na matuto at masanay sa pagbabasa.| ulat ni Rey Ferrer