Mayroon pang 103 pamilya o katumbas ng 419 na mga indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers sa Valenzuela City bunsod ng epekto ng bagyong Enteng.
Sa tala ng City Social Welfare and Development, sa kasalukuyan ay may limang bukas na evacuation sites sa lungsod.
Pinakamarami ang nananatili sa Valenzuela National High School sa Brgy. Marulas kung saan aabot sa 33 pamilya o 147 na indibidwal ang nananatili.
May higit 200 indibidwal din ang inilikas sa Veinte Reales.
Una nang nag-ikot si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa mga evacuation center kung saan kinamusta nito ang lagay ng mga apektadong residente at tiniyak ang kaukulang tulong sa kanila. | ulat ni Merry Ann Bastasa