Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 349 pamilya o 1,110 indibidwal na apektado ng bagyong Julian.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Cagayan Valley Region.
Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of September 30, mayroon nang halos 49 na pamilya o katumbas ng 155 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa 12 evacuation centers habang nasa 177 pamilya naman ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DSWD na sapat ang pondo nito para umayuda sa mga apektado ng pag-ulan.
Sa kasalukuyan, mayroon pang kabuuang ₱2.8-billion ang hawak na relief resources ng ahensya kanilang ang stockpile ng food at nonfood items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa