Higit 1,000 pamilya sa San Mateo, Rizal, naabutan ng tulong mula sa Office of the Speaker at Tingog PL

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng relief packs ng Office of the Speaker at Tingog Party-list na ipapamahagi sa mga pamilyang apektado ng bagyong Enteng at nananatili sa mga evacuation centers.

Sa pagsisimula ng relief operations nitong Martes, higit isang libong pamilya mula San Mateo, Rizal ang agad na napagkalooban ng tulong.

Tig-500 pamilya ang nabigyan ng food packs sa Malanday at Banaba habang may 200 sa Ampid Dos.

Una rito may 200 pamilya rin ang nabgiyan ng relief packs at hot meals mula naman sa Brgy. San Isidro sa Antipolo.

Bawat relief pack ay naglalaman ng bigas, delata, noodles, at kape.

Magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong sa iba pang lugar sa Metro Manila at CALABARZON na lubhang naapektuhan ng bagyong Enteng. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us