Higit 10,000 pamilyang na nasalanta dahil sa bagyong Enteng, natulungan sa ikinasang relief ops ng Tingog Party-list at Office of the Speaker sa Rizal at Zambales

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa higit 10,000 pamilya na naapektuhan ng bagyong Enteng ang naabutan ng tulong ng Tingog Party-list at Office of the Speaker na naisagawa sa Rizal at Zambales.

Nito lang Lunes, 600 pamilya o katumbas ng 3,000 indibidwal sa Zambales mula sa distrito ni Representative Bing Maniquiz ang nakatanggap ng relief packs mula sa DSWD, supplementary groceries, at tig-₱500 na transportation allowance.

Bago ito nakapagpaabot din ng tulong sa may 1,000 pamilya sa Baras, Rizal katuwang ang tanggapan ni Rizal 2nd District Representative Egmidio Tanjuatco bukod pa sa 80 pamilya mula Montalban.

Nasa 1,522 na pamilya rin ang nabigyan ng food packs katuwang naman si Rizal 4th District Representative Fidel Nograles.

Nasa 802 na pamilya mula in Taytay, Rizal, din ang naabutan ng relief packs sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Rizal 1st District Representative John Duavit.

Sinundan ito ng relief efforts sa iba’t ibang barangay sa Antipolo kasama si 2nd District Representative Romeo Acop kung saan 2,720 na pamilya ang natulungan.

Kaya naman sa kabuuan may 10,374 na pamilya o 51,783 na indibidwal ang nabigyan ng ayuda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us