Nakinabang ang nasa 1,381 rehistradong Navoteño Persons with Disability (PWDs) sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP.
Ayon sa Navotas LGU, bawat benepisyaryo ay nabigyan ng ₱3,000.
Ang AKAP program ay inisyatibo nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layong bigyan ng tulong pinansyal ang mga nasa “near poor” sector o mga minimum wage earners na apektado sa pagtaas ng mga bilihin.
Ayon naman kay Navotas Mayor Johnrey Tiangco, magkakaroon pa ng susunod na batch ng PWDs na bibigyang tulong sa ilalim ng AKAP.
Una nang sinabi ng DSWD na nasa ₱26.7-billion ang pondong nakalaan para sa pagpapatupad ng AKAP ngayong 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa