Higit 24,000 indibidwal, apektado ng bagyong Enteng at habagat — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng higit sa 6,000 pamilya o katumbas ng 24,043 na indibidwal ang apektado ng pag-ulang dulot ng bagyong Enteng at ng habagat.

Sa datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, kabilang sa mga rehiyong apektado ang Bicol Region, Central Visayas, at Eastern Visayas.

As of 6am, aabot na rin sa higit 909 pamilya o 3,736 indibidwal namang apektado ang nananatili sa ngayon sa 31 evacuation centers habang nasa 100 indibidwal din ang pansamantalang lumikas sa mga kaanak.

Mayroon ding naitalang siyam na tahanang napinsala habang isa ang partially damaged.

Patuloy namang nakatutok ang DSWD sa mga apektado ng bagyo at nakapaglaan na rin ng inisyal na ₱410,000 halaga ng assistance.

Nananatili ring available ang nasa ₱2.7-milyong halaga ng relief resources kasama ang standby funds at food packs na nakaposisyon na sa iba’t ibang lokasyon sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us